bedista na sila na matatawag
April 14, 2006
catesbool
si vicky, si orly at si lovie… tunay nang bedista na matatawag. natapos na rin ang kanilang mahabang paghihirap, matapos ang halos limang taon. natapos na rin ang mahabang panahon na palaging kinakabahan na pumasok; ang palaging pagdarasal na sana, di sila matawag ng propesor ngayong araw na toh at di maboljak sa recitation. natapos na rin ang pagkukumahog at paghahabol sa pagbabasa ng mga libro para maipasa ang mga exams. haaay!!! mabuti pa sila. natapos na ang masasayang araw sa san beda at kakaharapin naman ang pinakahuling pagsubok bago maging abogado: ang bar exams.
sino nga ba ang mag-aakala na mula sa mahigit pitumpu na estudyante ng block1b, silang tatlo ang talagang sama-samang matatapos ang mga pagsubok na kanilang hinarap, upang sabay-sabay na magsimula muli para sa pagrereview sa bar?
si vicky, ang maliit na bata na bumagsak sa criminal law 1 kay jumamil? hehe, si vicky na nataguriang "people at the back" dahil sa pandadaldal sa kanya ni jim? si vicky na hindi ko inakalang magiging malapit kong kaibigan sa loob ng apat na taon na pinamalagi ko rin sa san beda. ang batang palaging color coordinated ang suot mula sa pulang blouse, sapatos, bag o wallet hanggang sa kanyang lipstick… ang babaeng iniwanan ang kanyang trabaho bilang number 1 medrep ng glaxo at pinagpalit ang kanyang bagong bagong kotse para lamang gawing career ang pag-aaral ng law sa san beda… ang kaibigan na palaging kong kasama at least 6 hours a day, once a week para mag-aral, matulog, kumain at mag-aral uli sa loob ng library. ang kaibigan na ni hindi minsan bumigay sa lahat ng pagsubok na dumaan sa kanyang buhay: mula sa paghihiwalay nila ni pao at sa kanilang pagbabalikan, papunta sa pagpapatunay kay dean jara na seryoso shang nagpapanggap sa pag-aaral ng bus org 1 and 2 at civil procedure, hanggang sa pakikipaglaban para sa buhay ng kanyang kuya… ang kaisa-isang tao na nakita ko na ang motto ay "abogado ako". isang hakbang na lang, abogada na nga si vicky.
si orly… isa sa mga article 14 spice boys ng block1b. ang bisaya na nakakalimot sa kanyang sarili at hindi maitago ang natural na matigas na dila. ang isa sa mga maagang napisil ni atty. albay na magiging bar topnotcher balang araw. ang taong nagturo sa akin kung paano sumagot ng tama sa mga exams at kung paano i-dissect ang batas. ang matalinong kaibigan na hinarap ang kanyang kahinaan upang muling bumangon at panindigan ang babaeng kanyang pinakasalan. ang dating playboy ng block1b na ngayon ay isa nang tatay. ang isa sa mga tao na nagbigay sa akin ng motivation to strive beyond my limits and believe in my capacities. in short, ang taong nagbigay sa akin ng kahibangan na kaya ko shang talunin academically sa san beda. hindi ko kayang lampasan ang kanyang kakayanan, alam ko. pero si orly din ang isa sa mga tao na humila sa akin upang maniwalang muli sa mga milagro at ang milagro na iyan ay nangyayari sa paunti-unti bagay na di natin namamalayan. si orly ang kaibigan na nagpamulat sa akin na kaya kong gawin at harapin ang maraming bagay, "one step at a time".
si lovie… ang babaeng pinagkaguluhan sa san beda nang hindi nya namamalayan at kahit namalayan man nya, wala shang pakialam. ang babaeng pumapasok sa school na bitin ang pantalon, naka-simpleng polo shirt lamang at nakatsinelas o bakya. ang babaeng palaging mukhang mamalengke o bibili ng patis kung hindi mo mapapansin na kapag pinag suma total mo ang halaga ng suot ng kanyang damit e umaabot sa tatlong libo mahigit. si lovie na maraming lalake ang umiyak at kumanta ng "ikakasal ka na" nang humarap sa altar kasama ni mike. si lovie na palaging cool sa exam at isa sa mga tanging babae na maaaring tumalo kay orly sa bar exam. ang babaeng hindi tao dahil palaging nobenta ang mga grades maliban lamang sa nakuha nya kay atty. aquino sa corpo. ang kaibigan na palaging nabibitbit namin sa kung saan-saang layasan…
natapos na sila. tulad ng sinabi ko, pagbalik ko ay siguradong abogado na sila. ngayon, silang tatlo ay tunay nang matatawag na bedista. silang tatlo na larawan ng pag-asa at tagumpay, suot-suot ang kulay pulang roba na iilan lamang ang pinapalad na makakuha.
tapos na ang mga araw na nakasama ko sila sa loob ng library. tapos na ang mga last minute na pagdidiskusyon bago mag exam at pagtatalo-talo sa pagitan ng mga hapunan at bote ng tequila at beer tungkol sa kani-kaniyang sagot sa exam. tapos na ang asaran, lokohan, tawanan, kainan, tulugan at sama-samang pagdarasal…
ang kanilang mga pulang roba ay mapapalitan na ng pulang jacket at sila ay matatawag nang mga barista. haaayyy!!! napakalayo ko sa kanila…
pero di ako nag-aalala. dahil alam ko ang kakayanan nila. at naniniwala ako na sa isang taon, pagbalik ko, ABOGADO NA SILA!
AJAJA!!!! FYT!!!!
Entry Filed under: Uncategorized
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to comments via RSS Feed
