blangko

April 29, 2006 catesbool

dumarating siguro talaga sa buhay ng tao ang pagkakataon na kailangan nya harapin ang maraming bagay na di nya dapat iwasan.  at dumarating din sa buhay ng tao ang pagkakataon na kailangan pakawalan ang maraming bagay.

sa huling pagkakataon, iiwanan ko ang mga dapat ko nang iwanan.  kakalimutan ang dapat kalimutan. tatanggapin ang dapat tanggapin at haharapin ang dapat harapin.  gaano man kasakit at gaano man kahirap, kailangan kayanin dahil yun lang ang paraan para muling harapin ang bukas.

sadya nga yata talagang napakaliit ng mundo.  bagama’t sa laki nito, di pwedeng maiwasan at takasan ang lahat ng katotohanan na hindi pwedeng maubusan.  kahit saan ka man magpunta at magpakalayo-layo, darating at darating din ang panahon na ikaw ay mapapagod at sasabihin sa yong sarili, "ayoko na. pagod na ako."  kahit na ang puso mo nagkukumahog sa pag-asa, minsan kailangan mo ring makinig sa sinasabi ng utak mo, "hoy, tama na yang pagpapakatanga".

saglitin man ng isip ang tanong kung meron bang gamot sa katangahan, isang sagot lang ang pwedeng puntahan.  ang sipon at ubo ay mga sakit na maaring tumigil ngunit darating at darating din ang pagkakataon na ito ay babalik.  ang katangahan, well… gamutin mo man, di ito gagaling.

ang pako na kwadra ay di maaring pumasok sa pakuang bilog.  ang proxima centaurus, kahit kailan, hindi maaring maabot si lupus.  kahit ang kalawakan, hindi nya kailanman binigyan ng pagkakataon na ang dalawa ay magpang abot.  iikot ang mundo, ang kalawakan ay di aabutin ng milyong taon bago magbago.  hindi kailanman hahayaan ni lupus na pumasok sa buhay nya ang centaurus.  walang puwang, walang halaga ang centaurus kay lupus.  tulad ni medea sa isang argaunot.

minsan, kailangan ding matulog upang sa gayon, maaring harapin ang isang bukas na kahit mapakla sa panlasa, ang init ng araw, pwede mo pa ring madama.  tapos na ang pagtakas.  mahirap lumangoy at umasa sa isang angklo na kusang lumalayo.

maliit man ang mundo, pwede pa rin itong palakihin.  hindi kinakailangang makita ang mga bagay na ayaw makita.  ang katangahan, wala mang gamot ay maaaring solusyonan.  mag-aral at buksan ang isipan.

sa mundong ibabaw, maraming sirkulo ng buhay.  minsan, ang ating mga buhay ay aksidenteng nagkikita, nagkakatawanan, nagbabanggaan.  dumarating din ang pagkakataon na sa kaiikot ng buhay, ang mga sirkulo ay kinakailangan maghiwalay.  darating ang pagkakataon na ang isang sirkulo ay makikita ang pinakaperpektong sirkulo na maari nyang makasama sa tuloy-tuloy na pag-ikot.  at ang naiwanang sirkulo, kinakailangan ding matutong mabuhay, tanggalin ang piring at ipagpatuloy ang pag-ikot - malayong-malayo sa sirkulo na kanyang nakasanayan.  upang sa ganoon, maari nyang mahanap ang kanyang sarili, maari syang lumago at malamang muli kung paano maging isang tao - may halaga, may puwang sa buhay na sadyang para sa kanya.

Entry Filed under: Uncategorized

2 Comments Add your own

  • 1. LeoP  |  April 29, 2006 at 4:59 pm

    hay…ang buhay nga naman… kahit sino siguro makaka relate dito.

  • 2. Invencyarerly  |  October 2, 2008 at 4:36 pm

    I just want to take some money! :)
    Press here

Leave a Comment

Required

Required, hidden



Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to comments via RSS Feed



Pages

Categories

Calendar

April 2006
M T W T F S S
« Mar   May »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Most Recent Posts