knowing what i want
April 15, 2006
catesbool
kailan ko ba nalaman na wala na akong ibang gustong gawin sa buhay ko kundi ang maging isang abogado. ah, hindi ko matandaan. basta’t ang alam ko lang, ito ay isa lamang na ideya na nilagay sa aking kukote ni mama, ang aking tiyahin na hanggang ngayon ay matyagang nagmamatyag para sa aking kapakanan.
hindi ako katulad ni viki na palaging buo ang loob sa pagsasabi na magiging abogado sha. dumaan din ako sa estado na kinailangan ko munang tanungin ng mabuti ang aking sarili kung kakayanin ko ba ang maging isang abogado. hindi ako katulad ni neekee leynes, ang aking kaklase noon sa kolehiyo, na confident agad na kakayanin nya na maging isang abogado. i never had the same confidence and i was, for years, in a state of self-doubt.
it took me four years before i realized what i really wanted. sabi ni noli, yun ang problema ko. lagi daw akong nasa denial stage. ayoko harapin ang mga bagay na kinakatakutan kong makakasakit sa akin. i was never true to myself and i always have these shutters on me kaya di ko alam kung saan ako pupunta. haaayyy!!! ilang taon nga ba akong pinagtyagaan ni noli na pakinggan at i-guide para lamang marealize ko sa sarili ko kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay. i am always waiting for someone to push me in the right direction and always waiting for something bad to happen before i could make that quick decision.
ngayon, andito ako sa netherlands. ever since bata ako, ini-imagine ko kung paano ang mabuhay sa ibang bansa. i imagined how rosy it would be. shempre, merong mga masarap at masayang parte pero there is always something nagging at the back of my mind. merong mga doubts at palagi kong tinatanong ang sarili ko kung ito nga ba ang talagang gusto ko. at naroon din ang mga personal na krisis, mga pagkakataon na tinatanong ko ang sarili ko, "what the hell am i doing fucking with my life?"
bago ako umalis ng pilipinas, sinabi sa akin ni noli na dapat kong gamitin ang pagkakataon na ito to think about being honest with myself for once. dahil masunurin akong bata, heto ako, nag-iisip…
kahit na masakit, kahit na matagal din akong nagpasunod-sunod sa agos ng buhay dito sa den haag. ngayon ko nakikita muli kung sino ako at kung ano talaga ang gusto kong makuha mula sa buhay na ito. it was no longer about life wanting from me. it is now about what i want from my life. tapos na ang identity crisis. tapos na ang mahabang panahon of living up to my family’s expectations. at tapos na rin ang mahabang panahon na nagagalit ako sa sarili ko dahil sa maraming bagay na di ko kayang i-acknowledge sa sarili ko.
tinanong ko sa Dios kung bakit ako nandito at kung bakit ako nakikisalamuha sa mga tao dito. tinanong ko Sha kung bakit kinailangan ko dumaan sa ganitong mga pagsubok at kung bakit kinailangan kong dumaan muli sa ganitong period of depression. wala akong sagot na nakuha mula sa Kanya ngunit marami akong sagot na nakuha mula sa sarili ko.
I now know that I cannot keep on wishing for the things I long for. dahil may mga bagay na hindi ko kailangan at may mga bagay na ako lamang ang makakapagbigay sa aking sarili.
ang buhay ko dito sa netherlands ay temporary lang. walong buwan na lang at babalik na naman ako sa magulong mundo ko sa pilipinas. walong buwan na lang at babalikan ko ang mga responsibilidad na pansamatala kong tinalikuran upang makarating dito. wala akong magagawa upang mas mapabilis pa ang panahon. pero meron akong magagawa upang matanggal sa aking sarili ang lahat ng galit at frustration na bumabalot sa akin ngayon. walong buwan upang makawala sa state of depression.
last week, i was able to do one crucial step na maaaring mag-back fire sa akin for the rest of the 8 months i would have to stay here in the netherlands. marahil, nakatulong ang spring. one part of me hesitates and is being cautious about being away from them. alam ko na andito sila upang makatulong sa akin at bilang pamilya na maaari kong matawag habang ako ay nasa netherlands. pero tulad ng tunay kong pamilya, alam ko na maiintindihan nila kung bakit kinakailangan ko na humiwalay paminsan-minsan sa kanila so that i can really be me.
naalala ko na ang totoong rason kung bakit ako andito sa netherlands. alam ko na rin kung bakit i am beginning to be sick and tired of travelling all around europe. may mas malaking bagay na dapat akong paghandaan. europe is a temporary thing. i may regret not seeing all of it in ten or twenty years time, i know. but then again, i know i would regret it more not becoming a lawyer. at ang netherlands ang isa sa mga instrumento sa aking pagiging abogado.
i have met people along the way whose company i enjoyed being with. may mga tao na nagbigay sa akin ng saya, ng lungkot, at kung ano-ano pang samut saring emosyon. pero alam ko that everything here is temporary. i can only share moments with them. and i will only live moments with them. pero maraming bagay na hindi ko na sasabihin dito. sapat na iparamdam ko sa kanila how much i appreciate being with them at dinner time.
today, my room curtains are temporarily shut. i am shutting the world out and i do not want it to intrude on me. my stay here is part of my work. and work is one of the things i am good at and one of the things i really enjoy most. i will deal with papers no matter how complicated they are because i know papers are the only constant things that will come into my life. call me crazy, i don’t care. i hated studying here pero alam ko na ang pag-aaral ang isa sa mga bagay na pinakamamahal ko.
tapos na ang self-flagellation. tapos na rin ang aking period of suspended animation. i know now what i must do. there will still be days when my doubts would creep in and i would be very harsh and cruel with my self. at meron ding darating na pagkakataon na alam ko, i may do some really stupid things. it’s part of being me. the only way i know i can become rational again is to know that what i am doing does not make sense. paradoxical, oo. i don’t care. at the end of day, it is me who is living with myself and enjoying my own company…
Entry Filed under: unconfined
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to comments via RSS Feed