potah, ang lalim ba?
May 30, 2006
catesbool
one phone call from minerva was all it took, and everything just clicked back into place…
kapag ang buhay mo ay parang isang dahon na inanod-anod na lamang sa kanal, minsan hindi mo na alam kung saan ka pa pwedeng humawak para muling makaahon at sumampa sa pampang. pero minsan, ang lahat ay nangyayari dahil alam nating may patutunguhan at alam natin na ito ay makakatulong sa ating paglago bilang tao.
hindi lahat ng parte ng aking buhay sa den haag ay masaya at puro lakwatsa. shempre, nag cram din naman ako para sa mga exam kasi ayoko na uli makakuha ng 57.5 sa economics na aking ibinagsak dahil ang instruction eh discuss briefly what you can do to improve productivity (which, in fairness, diniscuss ko nga sha very briefly, in two sentences lang). sumesemplang pa rin ang aking buhay katulad ng pagsemplang ko noon sa aking mga midterms exams sa san beda law.
i only derive comfort in the knowledge that i am a finalist. finalist saan? finalist ako sa exams ko nun sa san beda, finalist pa rin ako dito (buti na lang, may mga essays na pwedeng humila ng grade ko pataas kung sesemplang na ako), at finalist din ang aking approach sa aking buhay.
tinanong ako ni minerva kung masaya ba ako sa aking buhay na pinili. ang sagot ko sa kanya the other night, merong masaya at merong hindi. dahil dumarating sa punto ng buhay ng tao na kinakailangan nyang tanungin sa kanyang sarili ano nga ba talaga ang kanyang gusto. at dumarating sa buhay ng tao ang punto na kinakailangan nyang dumaan sa isang period ng identity crisis.
tinanong ko ang sarili ko kung sino ako matapos ko matransplant from everything that and everyone who defined me as a person. tinanong ko ang sarili ko who i am as a person (potah! ang lalim ba?), without my role as a wife, as a mother, as a daughter, as a sister, and even as person in the office. nawala ako at nagulantang masyado ang buhay ko sa pagtatanong na ito to the point that i almost was unable to regain back my balance. ang kasagutan na nakuha ko almost shook me to the core at muntik ko nang hindi matanggap ang sarili ko. dumaan ako sa period na sinisi ko ang mga magulang ko, sinisi ko ang lahat ng tao na pwede kong sisihin for having defined me and making me unconsciously but willingly be defined according to their expectations. taken out of context, displaced and transplanted, pwede pala akong maging ibang tao.
it was a choice i made and it was a choice i wanted to make at that time. being the partly existentialist that i am and being the angst-ridden existentialist that i still am, sinubukan ko lahat ng paraan para maredefine ang sarili ko dito bilang tao. in the end, i didn’t like what i saw and i hated what i have become. so, eto ang self-flagellation at ang bouts of depressions at ang withdrawal symptoms.
mahirap pala iasa ang sarili mong paglago at iangkla ang iyong buhay sa ibang tao o sa anod lamang ng buhay. kinakailangan ko rin palang lumangoy sa sarili ko upang makita ko na andun ako sa pampang, nanood na rin lang habang ang ibang mga dahon ay patuloy pa rin inaanod ng agos.
i have my reasons for coming to den haag but i nearly lost sight of those reasons. deprived of my own rational thinking in an effort to redefine and come to terms with myself as a person, i lost focus and everything in sight became hazy.
ngayon, everything has cleared again. my sickness here has weakened me physically and i am still gasping for breath. now i understood what last year’s dream meant, before i came here. i dreamt that i was swimming against the tides of pasig river (yes, that deep, chocolatey murky water) and when i emerged, i found myself in that side of europe called venice. well, i’m not in venice but i always find myself gazing in the canals of den haag. but most important of all, after everything has happened and things finally come into place, i know na kahit itransplant mo ako, mawala man lahat ng values ko sa buhay at makilala ko man ang libo-libong tao, merong parte ng pagkatao ko na napakaimportante para sa akin at di ko kayang mawala sa akin.
there was a reason why i was sent here. seasons have passed and will pass but i will still choose to live a lifetime with my husband, my daughter and my family. ang asawa ko pa rin pala ang pipiliin ko sa lahat ng tao na makikilala ko. at naalala ko na uli kung bakit ko sha pinakasalan. at pagbalibaliktarin man ang mundo, mawala man sha sa paningin ko at sa puso ko, alam ko na darating pa rin ako sa punto na maalala ko kung bakit ko sha pinakasalan. gusto ko nang umuwi. i want to go home soon…
And miles to go before I sleep,
And miles to go before I sleep…
Entry Filed under: Current Affairs
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to comments via RSS Feed
