mga anghel sa aking mundo
June 22, 2006
catesbool
isa sa mga pinakakatakutan ko nang magpunta ako dito sa netherlands ay ang magkasakit. bukod sa malayo ako sa aking pamilya, isa ako sa mga pinaka-helpless na tao at napaka-demanding sa atensyon kapag may nararamdaman.
at nangyari nga ang aking kinakatakutan. sa hindi maipaliwanag na dahilan ng mga doktor dito, bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit sa gilid ng aking tyan at aking mga balikat na para bang pinupulikat hanggang sa umabot sa punto na hirap na akong huminga. awa ng Dios, ang indoensian kong kaibigan na si adrianus ay dinala ako sa emergency ng ospital at matyagang naghintay para malaman kung ano ang nangyayari sa akin. unti-unti, ang balita na ako ay may sakit ay pumutok sa ISS. isa-isa, ang mga tao ay nagsipunta at nangumusta. katulad ng isang bata, ako ay muling inalagaan ng mga kapwa ko pinoy, mga kaibigang indonesian, thai, latina at afrikana. si adrianus, ang indonesian na tumakbo pa para ibili ako ng gamot; si gig, ang thai na ipinagluto ako nga hapunan para may makain ako; si agnes, ang pinay na nagpadala rin sa akin ng hapunan; si rommel, ang aking kuya na nagdala rin sa akin ng hapunan at sumama sa akin para magbantay nang sa ikalawang pagkakataon, ako ay naospital; si ate nati, ang aking kababayan at "nanay" dito sa den haag na matyaga ding nagbantay sa akin sa ospital nang biglang lumobo ang aking tyan sa di maipaliwanag na dahilan; sina dina at avi, ang dalawang kaibigan kong indonesian na natulog sa aking kwarto upang ako ay bantayan at dalhan ako ng sushi sakaling ako ay magutom, na nakuha pa akong ipagluto kinabukasan bago sila umalis; ang aking "baby sis" na si irish, na sumasama sa akin sa doktor para magpacheck-up at hanggang ngayon ay matama akong binabantayan lalo na pagdating sa aking mga kinakain at paggalaw; si herni, ang aking indonesian na kaibigan na walang puknat na inililipat sa akin ang ilang bahagi ng kanyang lakas sa pamamagitan ng kanyang palad; si nancy, ang latina na palaging sumasalo sa akin sa halos lahat ng bagay; si ayie, ang kaibigan kong nagmula pa sa south africa na sinamahan ako sa doktor upang muling ipacheck-up; at ang napakaraming tao na paulit-ulit kinukumusta ang aking kalagayan. napakahaba ng listahan. napakarami nila. at pakiramdam ko ako ay nakatanggap ng best oscar at nagpapasalamat sa mga taong ito.
hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para sa mga taong ito to deserve their kindness. pero alam ko, these people were meant to be there as angels.
hindi malaman ng mga doktor sa netherlands kung ano talaga ang sakit ko. the doctors here practically declared me healthy although my body tells me differently. maraming teyorya at maraming nagsasabi na baka psychological. lahat ng opinyon, may punto.
maaaring di malalaman kung ano talaga ang sakit ko. pero ang alam ko, kahit may nagsara sa akin ng pinto, napakaraming anghel ang nagbukas para sa akin ng napakaraming bintana. and that has made all the difference…
for the angels who extended me their kindness and love at one of the lowest point of my life:
concrete angel by martina mcbride
Entry Filed under: Uncategorized
1 Comment Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Subscribe to comments via RSS Feed
1. Polin | June 24, 2006 at 7:44 pm
hey, kumusta na?
no matter how stressfull this time of the year is (yes, pinakamaraming ginagawa sa third term), make sure you relax. don’t allow yourself to be stressed. tsaka, i-pamper mo sarili mo ngayon even with the small things na gusto mo gaya ng fave bread mo (hehehe) kasi nakakatulong yun sa psyche.
remember, what didnt kill you will make you strong.