irish tea (crying ensaymada with lotsa sugah)

July 11, 2006 catesbool

hindi ko naiintindihan kung bakit ka umiiyak.  alam ko na sa pagdating mo rito sa netherlands, marami ka rin saloobin na pinili mong kipkipin at di pag-usapan.  may mga pagkakataon na kusa ka ring nagbukas ng iyong sarili at ipinakita sa amin ang isang munting bata na hanggang ngayon ay nananatili.  at ang batang iyon ay aming minahal at inalagaan.

marahil, hindi ko maiintindihan nang lubusan ang iyong tunay na pagkatao.  ngunit sa saglit na ika’y aming nakasama ni kuya, nais namin na ika’y maging masaya nang lubusan.  marahil ay katulad ka rin ng isang munting prinsipe na umalis sa paghahanap ng ilang kasagutan sa kanyang buhay.

at tulad ng isang munting prinsipe, hindi ko makakalimutan kung paano mo kami inalagaan…

ikaw, na sa iyong munting paraan, ang nagparamdam sa aming muli kung gaano kasarap ang makapiling di lamang ang isang kapuso, kundi pati na rin ang isang kapamilya.

tahan na… tahan na… pasasaan ba, tayo’y sama-samang muli iinom ng mainit na tsaa - habang ang luntiang mga dahon at sanga ay sumasayaw sa malakas na hangin upang pawiin ang init mula sa araw.  at muli, atin lamang silang panonoorin sa katahimikan, di kinakailangan pang magkaroon ng anumang usapan.  sapat na na tayong lahat ay muling magkakasama…

Entry Filed under: Uncategorized

1 Comment Add your own

  • 1. Ristje  |  July 11, 2006 at 11:03 pm

    di ko rin alam kung bakit at di na mahalaga sa akin kung bakit. before i went there i was so scared of losing one thing, my friends here. now i find myself in an ironic situation, i didn’t lose my friends here. i lost my friends there. and though i know you will correct me on this, that its not true i lost you guys that’s how it feels. i feel like my heart is breaking into a million pieces leaving that place. and though i know how to get over, im just not ready to do it. not yet.

Leave a Comment

Required

Required, hidden



Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to comments via RSS Feed



Pages

Categories

Calendar

July 2006
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Most Recent Posts