mga sentimental na drama sa aking buhay

February 14, 2007 catesbool

ang masasabi ko lang ngayon, hahahaha!

muli kong binalikan ang ilan sa mga posting sa aking blog.  sila ang mga talaan ng mga pangyayari sa aking buhay sa nakalipas na taon.  ang masasabi ko pa rin sa aking muling pagkabasa sa kanila, hahahaha!

gaano nga ba ka-sintimyento ang aking naging buhay?  marahil, masyado lamang akong mag-isip kung kaya parang isang korean drama tv ang kanyang naging kinalabasan.  pero pag nalampasan mo na pala ang mga pagkakataong yun, wala ka nang ibang magagawa kundi ang humalakhak at matawa sa iyong sarili at sa mga kakornihan mo.

self-depracating.  marahil yun ang tamang salita na aking dapat gamitin para lamang bigyang deskripsyon ang aking mga naisulat.  pasensya na at di ko na ata alam kung papaano ko isusulat yun sa tagalog.  sariling panlilibak? hehehe, sariling kabaliwan, marahil.

natatawa ako ngayon.  marahil isang palatandaan ng paghinog muli ng aking pag-iisip sa mga pangyayaring nagdaan at sa mga unos na kamuntik nang magtumba sa aking pagkatao.  pero nagpapasalamat pa rin ako.

dumadaan ako sa mga pagsubok.  maraming mga laban na inurungan at di kinayang harapin pero sa huli, pinilit pa ring kayanin.

lumalago pa rin pala ako kahit madalas, pakiramdam ko ako ay isa nang patay sa sarili ko na walang nararamdaman at hungkag sa maraming bagay sa mundo.

sabi nga ni eric ross, maaaring ikaw ay nagbago.  pero baka masorpresa ka na ang iyong mundong ginagalawan ay hindi.

kaya tuloy pa rin ang pakikibaka.  tuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban sa aking sarili.  sentiments and all…

Entry Filed under: Uncategorized

Leave a Comment

Required

Required, hidden



Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to comments via RSS Feed



Pages

Categories

Calendar

February 2007
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  

Most Recent Posts